Ang hirap maging ako!

DEFINE CRUSH..

Crush? Yung kapag kinakausap ka nya o kaya dumikit sya sayo namumula ka. Yung parang sasabog ka na, yung hindi mo alam yung gagawin mo, at yung maninigas ka na o kaya mapapangiti ka nalang at sasabihin mo sa sarili mo na “SHIT! :”>”. Tapos kapag tumitingin sya sayo habang kinakausap ka nya, di mo man lang sya matignan, yung kahit saan ka lang titingin. Eh kapag titigan mo naman sya ng hindi nya alam, wagas! Yung kahit anong gawin nya napapangiti ka kasi ang cute nya!

Crush? Sila yung taong NEVER magkakagusto satin kaya gumising ka! Di ka gusto nun. HAHAHAHAHAHA!

Dear Boys,

Wag na WAG nyong sasabihan ng “PAASA” ang mga babae KUNG sa simula palang, hindi na sila nagpaligaw sainyo. Ok?

Sorry po sa pagiging inactive.

Nag aaral na po kasi ako ng mabuti.

REBLOG IF YOU BELIEVE GOD IS BIGGER THAN YOUR PROBLEMS

(Source: christianlivingposts, via kyfeliciano)

Anong konek ng pag-aaral ko sa kulay ng buhok ko?

Yung putanginang nagpakulay na nga ako ng black kahit natural brown na yung buhok ko tapos ngayon, bumabalik na yung color brown tapos sisitahin nanaman ako! Putangina, kalbuhin ko nalang kaya tong ulo ko no?!

"Kababae mong tao nagdo-DOTA ka?"

Oh yes. Di lang naman lalake ang may karapatang maglaro nun diba? And gusto ko din malaman kung bakit naadik yung mga lalake dun at kung bakit sanay na sanay sila sa trashtalk. 

Tingnan mo ako ngayon, adik na. Marunong narin akong mag “puta” kahit noon hindi naman. Kase sa DOTA kapag newbie ka talaga tapos palagi kang namamatay “putangina mo tanga bobo mo!” agad yung mga mababasa mo. HAHAHAHA! Kaya sa inis ko napapatrashtalk na rin ako.

At hanggang ngayon, weak parin ako. Shineshare ko lang naman kase wala talaga akong maisip na maipost puta talaga. Hello sa mga nagdodota dyan. Hehe

Nag GM ako..

"Ang lakas ng kidlat no?

Suntukan kami kamo! HAHAHAHA!

Stay safe everyone :)”

Tapos may nagreply..

"Wag! Baka mapaano ka."

So anong tingin mo sakin, tanga na makikipagsuntukan talaga sa kidlat? Eh kung nakipagsuntukan talaga ako sa kidlat wala pa syang ginagawa eh patay na ako. Dafuq